Ang panghalip na panao ang
ginagamit na pamalit sa pangalan ng tao.
May tatlong kailanan ang panghalip
na panao.
1.
Isahan – mga panghalip na
inihahalili sa isang tao lamang.
Halimbawa:
a.
Isa ako sa natatakot
sa kagat ng bubuyog.
b. Siya ay nakagat ng bubuyog.
c.
Ikaw ba ay nakagat na rin ng bubuyog?
2.
Dalawahan – mga panghalip na
inihahalili sa dalawang tao lamang.
-
Isang anyo ng panghalip na
dalawahan ay yaong sinusundan ng bilang.
Halimbawa:
a.
Tayong dalawa ang pinagbilinan ng guro.
b. Kayong dalawa ay
hinihintay namin.
c.
Darating kaya silang
dalawa?
-
Dalawahan din ang mga
pangahalip na:
·
Kata(tayong dalawa)
·
Kita(ikaw at ako)
·
Ta(nating dalawa)
·
Kanita(ating dalawa)
Nasa loob ng panaklong ang kahulugan ng mga panghalip.
Halimbawa:
a.
Kata ang naatasang magdilig ng
mga halaman.
b. Tutulungan
kitang umigib ng tubig.
c.
Diligan ta ang mga halaman.
d. Kanita na
raw lamang na halaman ang hindi pa nadidiligan.
3. Maramihan
– mga panghalaip na inihahalili sa tatlo o mahigit sa tatlong tao.
Halimbawa:
a.
Marino, Marina, Monina, at Myrna, kayo
na ang mauna at susunod ako.
b. Dadalo
pa rin sila sa pagbibigay ng parangal.
No comments:
Post a Comment