Monday, October 1, 2012

Panghalip**



Ang panghalip na panao ang ginagamit na pamalit sa pangalan ng tao.

May tatlong kailanan ang panghalip na panao.

1.   Isahan – mga panghalip na inihahalili sa isang tao lamang.
Halimbawa:
a.   Isa ako sa natatakot sa kagat ng bubuyog.
b.  Siya ay nakagat ng bubuyog.
c.   Ikaw ba ay nakagat na rin ng bubuyog?

2.   Dalawahan – mga panghalip na inihahalili sa dalawang tao lamang.
-         Isang anyo ng panghalip na dalawahan ay yaong sinusundan ng bilang.
Halimbawa:
a.   Tayong dalawa ang pinagbilinan ng guro.
b.  Kayong dalawa ay hinihintay namin.
c.   Darating kaya silang dalawa?
-         Dalawahan din ang mga pangahalip na:
·        Kata(tayong dalawa)
·        Kita(ikaw at ako)
·        Ta(nating dalawa)
·        Kanita(ating dalawa)
Nasa loob ng panaklong ang kahulugan ng mga panghalip.
        Halimbawa:
a.   Kata ang naatasang magdilig ng mga halaman.
b.  Tutulungan kitang umigib ng tubig.
c.   Diligan ta ang mga halaman.
d.  Kanita na raw lamang na halaman ang hindi pa nadidiligan.

3.   Maramihan – mga panghalaip na inihahalili sa tatlo o mahigit sa tatlong tao.
Halimbawa:
a.   Marino, Marina, Monina, at Myrna, kayo na ang mauna at susunod ako.
b.  Dadalo pa rin sila sa pagbibigay ng parangal.
c.   Palakpakan natin ang lahat ng nagwagi.


                                         


                                              SAYAW




NAGBABASA

                                                             



                                                 KUMAKANTA